Sunday, July 27, 2008

palengekera

Bakit ba may mga taong kung magsalita eh parang nagtitinda ng isda sa palengke? Simpleng bagay na kelangang sabihin, kailangan pang isigaw, at meron namang iba na may kasama pang high-pitched na hagikgik. Nakakirita...nakaka-hayblad, lalo na kung nasa gitna ka ng pag-iisip o pagninilay-nilay.

Kanina, habang naka-sakay ako sa jeep pauwi, may mga nakasabay akong grupo ng mga babae at lalake. Palagay ko may pagka-bisaya sila base sa pananalita nila. Sobrang sigaw ng sigaw yung babae habang pinag-t-tripan nya yung kasama nilang mga lalake na nakasabit. Sigaw na madalas mong maririnig sa palengke. Bakit ba kung kelan ko naiwan yung ipod ko eh tsaka ko pa sya nakasabay? Malas.

Nagsawa na rin kase ako sa ingay ng isang spesipikong tao sa opisina na lahat na lang ata ng bagay na makita nya eh hinahagikgikan. Uy Baso! Hihihih... Uy Upuan! Hihihih... Walang pakielam sa mga taong nakapaligid sa kanya na kelangang mag-isip. Di pa makaramdam, o sadyang walang pakielam. Sa araw-araw na ipinasok ko, at pati sabado't linggo, anjan sya, humahagikgik ng high-pitched. Lagpas sa decibels na kaya ng tenga namin ng mga kasama ko.

Sarap tapalan ng tissue na basang-basa ng alcohol para ma-disinfect ang mga bacteria na nagpapakati sa bibig nila.

Masama ako. Oo, alam ko.

No comments: