Tuesday, July 29, 2008

byahe

Nakasakay ako ngayon sa bus papunta sa agency na nag-aasikaso ng mga papeles ko papuntang Malaysia. Siksikan, madami kasing papasok na mga estudyante at empleyado, pero buti na lang nakaupo ako.

Naglalayag ang isip ko kanina habang nakatingin sa labas ng bintana. Di alintana yung tulo-laway ng tulog na mama sa tabi ko. Naisip ko na lang na mag-sulat.

Naisip ko lang na malapit na nga akong umalis pero parang ang dami ko pang gagawin: mga turn-over docs at clearance sa opisina, SSS ID, Pag-ibig, mag-e-empake, gawan ng pc how-to ang kapatid ko, maglinis ng PC sa bahay at mga gamit galing sa opisina, bumawi sa gf ko dahil sa pagtrabaho ko nung huling sabado imbes na quality time namen, kumain ng mga pagkain na baka wala doon (priorities...lol).

Walang lugar sa akin ngayon para ma-excite o mag-alala sa daming isipin. Gaya ng nakagawian, bahala na si Batman. Di ko pa nga pala napanood ung Dark Knight tsaka Wanted! Demet! Mag-cutting office kaya ako ngayon? Kaso baka batukan ako ni Ron pag nalaman nya. Olats.

Yan nagising si manong, nagpunas na. Lapit na rin akong bumaba. Kaya ito na lang muna.


Posted via E71. (Gusto ko lang talaga magyabang ng bagong phone kaya ako nagpost...lol)

[+/-] Read More...

Sunday, July 27, 2008

palengekera

Bakit ba may mga taong kung magsalita eh parang nagtitinda ng isda sa palengke? Simpleng bagay na kelangang sabihin, kailangan pang isigaw, at meron namang iba na may kasama pang high-pitched na hagikgik. Nakakirita...nakaka-hayblad, lalo na kung nasa gitna ka ng pag-iisip o pagninilay-nilay.

Kanina, habang naka-sakay ako sa jeep pauwi, may mga nakasabay akong grupo ng mga babae at lalake. Palagay ko may pagka-bisaya sila base sa pananalita nila. Sobrang sigaw ng sigaw yung babae habang pinag-t-tripan nya yung kasama nilang mga lalake na nakasabit. Sigaw na madalas mong maririnig sa palengke. Bakit ba kung kelan ko naiwan yung ipod ko eh tsaka ko pa sya nakasabay? Malas.

Nagsawa na rin kase ako sa ingay ng isang spesipikong tao sa opisina na lahat na lang ata ng bagay na makita nya eh hinahagikgikan. Uy Baso! Hihihih... Uy Upuan! Hihihih... Walang pakielam sa mga taong nakapaligid sa kanya na kelangang mag-isip. Di pa makaramdam, o sadyang walang pakielam. Sa araw-araw na ipinasok ko, at pati sabado't linggo, anjan sya, humahagikgik ng high-pitched. Lagpas sa decibels na kaya ng tenga namin ng mga kasama ko.

Sarap tapalan ng tissue na basang-basa ng alcohol para ma-disinfect ang mga bacteria na nagpapakati sa bibig nila.

Masama ako. Oo, alam ko.

[+/-] Read More...

Tuesday, July 15, 2008

kalahating buwan

Ganito pala ang pakiramdam ..

Nakakalungkot habang lumalapit ..

Nakakatakot habang paparating ..

Pero kakayanin ko to ..

Pers taym ..

Bahala na ..

Si Batman ..


[+/-] Read More...

Wednesday, July 9, 2008

basa sa dura

Ano bang meron sa laway ng mga taong mahilig dumura kung saan-saan? Na-p-panis na ba?

Naranasan mo na ba na habang naglalakad ka sa sidewalk, eh biglang dudura yung taong naglalakad sa unahan mo, at sa mismong nilalakaran mo pa? Eh pano kung tinamaan pa ng dura nya ang sapatos o pantalon mo? Pano kung may kakatwang kulay pa yun? Pasintabi lamang po sa mga nag-mi-midnayt snak.

Di ko ma-gets kung bakit di maiwasan ng karamihan ng mga Pinoy, lalo na ang mga lalake, na dumura na lang kung saan-saan. Ano bang meron sa laway nila at hindi nila yun malunok? Sa kanila rin naman galing yun. O kaya naman eh dumura na lang sa lugar na hindi dinadaanan ng tao.

Kung ang simpleng pagdura ay di mapigilan ng mga Pinoy, ano pa kaya ang pag-ihi? karamihan talaga ng mga Pinoy ngayon, nawawalan na ng disiplina, wala nang pakialam. Di ko na lang itutuloy ito, puro kababuyan na lang naman ang magiging laman nito.

At kung sino ka mang hayup ka na dumura sa nilalakaran ko at tinamaan ang pantalon ko, at dinedma mo lang ang pag-(&*#@$*(# ko sa yo, magising ka sana bukas ng umaga ng basa sa dura!

[+/-] Read More...

Sunday, July 6, 2008

banal na papi .. hee hee hee hee

"By the sweat of your brow, you will eat your food until you return to the ground, since from it you were taken; for dust you are and to dust you will return." - Genesis 3:19

Sa oras na binasa ng ministrong nangangaral nung pagsamba nitong umaga ang talatang iyan.. hinde, hinde ako nag-nosebleed dahil ingles sya.. naintindihan ko agad, in peyrnes, na para sa akin ang aral na ituturo ngayon.

Maraming agam-agam ang nasasaisip ko nitong mga nakalipas na araw. Halu-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga desisyong ginawa ko nitong nakaraan. Pero dahil sa leksyon nitong umaga sa pagsamba, parang nawala lahat. Gumaan ang pakiramdam ko, di naiwasang pumatak ang luha habang nananalangin. Napakagaan ng pakiramdam, parang lahat ng problema at responsibilidad ay tinanggal mula sa aking mga balikat.

"For even when we were with you, this we commanded you, that if any would not work, neither should he eat." - 2 Thessalonians 3:10 (King James Version) "5Slaves, obey your earthly masters with respect and fear, and with sincerity of heart, just as you would obey Christ. 6Obey them not only to win their favor when their eye is on you, but like slaves of Christ, doing the will of God from your heart. 7Serve wholeheartedly, as if you were serving the Lord, not men, 8because you know that the Lord will reward everyone for whatever good he does, whether he is slave or free." - Ephesians 6:5-8

Tumatak sa isip ko ang mga talatang iyan. Para bang sinasabi sa akin na tama ang desisyong aking ginawa. At wala akong dapat ipag-alala o pagsisihan man lang. May mga tao man akong matatapakan o maiiwanan, may mga sakripisyo mang kailangang gawin, ito ay di para sa ikalulugod ng tao, kundi para sa ikalulugod ng Panginoon.Batid kong tinutupad ko lang ang aking mga tungkulin di lamang sa mga mahal ko sa buhay, kundi pati sa Diyos na lumikha sa akin.

Di ako ganun kabanal. Madadagdagan ang kasalanan ko kung sasabihin kong wala akong mga kasalanang ginawa. Pero sa mga oras na ito, ramdam ko na pinapanood at ginagabayan ako ng Panginoon.

Sa mga taong di sanay sa mga ganitong pinagsasabi ko, wag kayong mag-alala .. pare-pareho tayo.

[+/-] Read More...