Tuesday, November 4, 2008

Notice to the Public

As you may already have noticed... I'm in a long hiatus mode here in Blogger. I'm currently updating, posting new contents, alive and kicking on my Multiply page. Please do drop by there, add me if you want, comment if you dare. :D

Take note though that majority of my blog posts there are in Tagalog. Proudly Pinoy! :D
In addition, I might transfer to a different provider, the paid one, and get my own domain name. So, watch out for that.
For the mean time, zzz...

[+/-] Read More...

Tuesday, July 29, 2008

byahe

Nakasakay ako ngayon sa bus papunta sa agency na nag-aasikaso ng mga papeles ko papuntang Malaysia. Siksikan, madami kasing papasok na mga estudyante at empleyado, pero buti na lang nakaupo ako.

Naglalayag ang isip ko kanina habang nakatingin sa labas ng bintana. Di alintana yung tulo-laway ng tulog na mama sa tabi ko. Naisip ko na lang na mag-sulat.

Naisip ko lang na malapit na nga akong umalis pero parang ang dami ko pang gagawin: mga turn-over docs at clearance sa opisina, SSS ID, Pag-ibig, mag-e-empake, gawan ng pc how-to ang kapatid ko, maglinis ng PC sa bahay at mga gamit galing sa opisina, bumawi sa gf ko dahil sa pagtrabaho ko nung huling sabado imbes na quality time namen, kumain ng mga pagkain na baka wala doon (priorities...lol).

Walang lugar sa akin ngayon para ma-excite o mag-alala sa daming isipin. Gaya ng nakagawian, bahala na si Batman. Di ko pa nga pala napanood ung Dark Knight tsaka Wanted! Demet! Mag-cutting office kaya ako ngayon? Kaso baka batukan ako ni Ron pag nalaman nya. Olats.

Yan nagising si manong, nagpunas na. Lapit na rin akong bumaba. Kaya ito na lang muna.


Posted via E71. (Gusto ko lang talaga magyabang ng bagong phone kaya ako nagpost...lol)

[+/-] Read More...

Sunday, July 27, 2008

palengekera

Bakit ba may mga taong kung magsalita eh parang nagtitinda ng isda sa palengke? Simpleng bagay na kelangang sabihin, kailangan pang isigaw, at meron namang iba na may kasama pang high-pitched na hagikgik. Nakakirita...nakaka-hayblad, lalo na kung nasa gitna ka ng pag-iisip o pagninilay-nilay.

Kanina, habang naka-sakay ako sa jeep pauwi, may mga nakasabay akong grupo ng mga babae at lalake. Palagay ko may pagka-bisaya sila base sa pananalita nila. Sobrang sigaw ng sigaw yung babae habang pinag-t-tripan nya yung kasama nilang mga lalake na nakasabit. Sigaw na madalas mong maririnig sa palengke. Bakit ba kung kelan ko naiwan yung ipod ko eh tsaka ko pa sya nakasabay? Malas.

Nagsawa na rin kase ako sa ingay ng isang spesipikong tao sa opisina na lahat na lang ata ng bagay na makita nya eh hinahagikgikan. Uy Baso! Hihihih... Uy Upuan! Hihihih... Walang pakielam sa mga taong nakapaligid sa kanya na kelangang mag-isip. Di pa makaramdam, o sadyang walang pakielam. Sa araw-araw na ipinasok ko, at pati sabado't linggo, anjan sya, humahagikgik ng high-pitched. Lagpas sa decibels na kaya ng tenga namin ng mga kasama ko.

Sarap tapalan ng tissue na basang-basa ng alcohol para ma-disinfect ang mga bacteria na nagpapakati sa bibig nila.

Masama ako. Oo, alam ko.

[+/-] Read More...

Tuesday, July 15, 2008

kalahating buwan

Ganito pala ang pakiramdam ..

Nakakalungkot habang lumalapit ..

Nakakatakot habang paparating ..

Pero kakayanin ko to ..

Pers taym ..

Bahala na ..

Si Batman ..


[+/-] Read More...

Wednesday, July 9, 2008

basa sa dura

Ano bang meron sa laway ng mga taong mahilig dumura kung saan-saan? Na-p-panis na ba?

Naranasan mo na ba na habang naglalakad ka sa sidewalk, eh biglang dudura yung taong naglalakad sa unahan mo, at sa mismong nilalakaran mo pa? Eh pano kung tinamaan pa ng dura nya ang sapatos o pantalon mo? Pano kung may kakatwang kulay pa yun? Pasintabi lamang po sa mga nag-mi-midnayt snak.

Di ko ma-gets kung bakit di maiwasan ng karamihan ng mga Pinoy, lalo na ang mga lalake, na dumura na lang kung saan-saan. Ano bang meron sa laway nila at hindi nila yun malunok? Sa kanila rin naman galing yun. O kaya naman eh dumura na lang sa lugar na hindi dinadaanan ng tao.

Kung ang simpleng pagdura ay di mapigilan ng mga Pinoy, ano pa kaya ang pag-ihi? karamihan talaga ng mga Pinoy ngayon, nawawalan na ng disiplina, wala nang pakialam. Di ko na lang itutuloy ito, puro kababuyan na lang naman ang magiging laman nito.

At kung sino ka mang hayup ka na dumura sa nilalakaran ko at tinamaan ang pantalon ko, at dinedma mo lang ang pag-(&*#@$*(# ko sa yo, magising ka sana bukas ng umaga ng basa sa dura!

[+/-] Read More...

Sunday, July 6, 2008

banal na papi .. hee hee hee hee

"By the sweat of your brow, you will eat your food until you return to the ground, since from it you were taken; for dust you are and to dust you will return." - Genesis 3:19

Sa oras na binasa ng ministrong nangangaral nung pagsamba nitong umaga ang talatang iyan.. hinde, hinde ako nag-nosebleed dahil ingles sya.. naintindihan ko agad, in peyrnes, na para sa akin ang aral na ituturo ngayon.

Maraming agam-agam ang nasasaisip ko nitong mga nakalipas na araw. Halu-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga desisyong ginawa ko nitong nakaraan. Pero dahil sa leksyon nitong umaga sa pagsamba, parang nawala lahat. Gumaan ang pakiramdam ko, di naiwasang pumatak ang luha habang nananalangin. Napakagaan ng pakiramdam, parang lahat ng problema at responsibilidad ay tinanggal mula sa aking mga balikat.

"For even when we were with you, this we commanded you, that if any would not work, neither should he eat." - 2 Thessalonians 3:10 (King James Version) "5Slaves, obey your earthly masters with respect and fear, and with sincerity of heart, just as you would obey Christ. 6Obey them not only to win their favor when their eye is on you, but like slaves of Christ, doing the will of God from your heart. 7Serve wholeheartedly, as if you were serving the Lord, not men, 8because you know that the Lord will reward everyone for whatever good he does, whether he is slave or free." - Ephesians 6:5-8

Tumatak sa isip ko ang mga talatang iyan. Para bang sinasabi sa akin na tama ang desisyong aking ginawa. At wala akong dapat ipag-alala o pagsisihan man lang. May mga tao man akong matatapakan o maiiwanan, may mga sakripisyo mang kailangang gawin, ito ay di para sa ikalulugod ng tao, kundi para sa ikalulugod ng Panginoon.Batid kong tinutupad ko lang ang aking mga tungkulin di lamang sa mga mahal ko sa buhay, kundi pati sa Diyos na lumikha sa akin.

Di ako ganun kabanal. Madadagdagan ang kasalanan ko kung sasabihin kong wala akong mga kasalanang ginawa. Pero sa mga oras na ito, ramdam ko na pinapanood at ginagabayan ako ng Panginoon.

Sa mga taong di sanay sa mga ganitong pinagsasabi ko, wag kayong mag-alala .. pare-pareho tayo.

[+/-] Read More...

Saturday, June 28, 2008

user-friendly

Sinubukan kong hanapin sa Internet kung sino o kung saan nagsimula ang paggamit ng katagang ito para itangi ang mga taong Manggagamit. Sinubukan ko ring alamin kung kasama ba ito sa mga pinausong gay lingo ng mga dugong-berde. Pero chaka, wala akong nakitang chenes.

Kung sa teknikal na aspeto, pinauso ito ng kumpanyang Microsoft, sa pagkakaalam ko, para sa kanilang produktong Windows Operating System. “Microsoft Windows is User-Friendly”, yan ang deskripsyon ng produckto nila na kung iintindihin mo sa ibang pananaw eh: “Manggagamit ang Microsoft”. Kung fanboy ka ng ibang OS, sigurado sasang-ayon ka sa akin.

Marami akong kilalang mga “user-friendly” na tao, itago na lang siguro natin ang ilan sa codename na “Mga Kapitbahay” para proteksyunan ang makasarili nilang pagkatao. Anjan sila kapag may kelangan sa inyo: heheram o hihingi ng mga gamit, makikipag-tsismisan para kumuha ng latest chika, magpapaalaga ng anak, at kung anu-ano pa. Pero kapag may hiningi kang pabor sa kanila, ayun tulog. Ultimo obligasyong alam naman nilang kelangang gawin para sa komunidad, ayun tulog. Sarap buhusan ng kumukulong tubig para magising, kaso sayang ang tubig.

Para po sa inyong kaalaman, ang aming tahanan ay hindi daycare center, call center, Toby’s, bigasan, karinderya, tindahan, banko, bookstore, hardware, 7-11 o Ministop, at lalong hindi Malacanang. Sana pinatakbo ko na lang bilang Pangulo ang tatay o nanay ko para maturing kaming first family at ma-obligang magpakitang-tao na tulungan kayo. Tapos ay pupunta sa ibang bansa para sabihing gumagawa ng paraan para mapadali ang buhay nyo. Sabay golf. Ayun! Ayos!

Hindi naman po sa nagdadamot o nagiging makasarili kame, ang problema kase ay umaabuso na kayo. Ang nais ko lang naman sanang iparating sa inyo ay: “Mga demet, magsi-ayos kayo! Di araw-araw pasko!”.

[+/-] Read More...

Saturday, May 31, 2008

Series of unfortunate events

I'm quite sure that you've already seen or heard Jim Carey's movie or probably the children's book of the same title. Unfortunately, I have experienced such this week. This is my first official work week in Cyber Gate 2 in Mandaluyong. I hope this doesn't mean anything or is it a sign that I have to transfer? *hint* *hint* lol

This may be uninteresting for you but I just felt like sharing them cause it's the first time for me to experience consecutive "misfortunes". And, I don't have a blog entry for a couple of days now. lol

Here it goes.

Sunday: Had to do some work. Enough said. Hehe.

Monday: Bige bought some groceries, including 5 kilos of rice. On the way home, rain suddenly poured. We weren't expecting that there will be flood in Monumento though. Unfortunately, we were wrong.

Tuesday: I was not feeling well and a technical problem occurred while I was riding the MRT. It was only a station away from where I rode. So, all the passengers were requested to disembark and transfer to the next train. As expected, due to the number of waiting passengers, pushing to ride the train was inevitable.

Wednesday: I got sick but still have to work. And aside from that, I had some sort of scary nightmare which kept me awake for a couple of minutes. I consider this unfortunate as I get somewhat scared just by that. Quite embarassing but true. Hehe.

Thursday: The zipper of my office pants had a problem. This happened when I was already in the office, early in the morning, and I'm not wearing a barong (so that it can be covered at least). So, wearing a long-sleeved polo means that I am supposed to tuck my polo in. But I can't. I ended up spending some strenous time fixing it in the comfort room and buying a new pants during lunch. Whew.

Friday: Good thing nothing much happened that day. I just realized that my 3rd year in Accenture falls on the 13th of June - Friday the 13th. Not really unfortunate, but is it a sign? Hehe.

Saturday: Nothing bad happened. Good!

[+/-] Read More...